naka upo ako sa isang kainan sa bayan habang hinihintay ang inorder kong bbq.
naiisip ko pa rin siya, hinihiling ko na sana kasama ko xa nakikipagkwentuhan habang naghihintay ng pagkain.
bigla kong napansin ang magasawang pulubi na nangongolekta ng basura.
uhaw na uhaw ang babae at humihingi siya sa waiter ng isang basong tubig, agad naman binigyan ito ng waiter matapos pagsilbihan ang ilang costumer na kumakain, samantalang ang asawa niyang lalaki ay naghihintay sa labas dala dala ang isang malaking supot na puno ng junk food wrappers, alam ko uhaw din ang lalaki pero sa isip niya siguro eh nahihiya siya, kaya hindi na siya nakiinum gaya ng kanyang asawa, siguro nasa isip niya na “mauhaw na ako wag lang misis ko kaya ko pang mag tiis”.
umalis na ang mag asawa sabay dating ng order ko, bigla kong naisip na siguro ganun din ako sa babaeng mahal ko, hahayaan ko na xa na lang makaranas ng konting ginhawa kung kaya ko naman mag tiis para sa kanya kahit ganon kami kahirap, masaya na ako basta makita ko at makasama ko xa sa pang araw araw na buhay.
bigla akong natauhan at binawi lahat ng hiniling kong iyon, sabi ko sa Panginoon, Lord joke lang yun, lam mo naman akoy mapagbiro minsan parang si Mr. Bean, binabawi ko na po yung nasabi ko kanikanina lang.
bigla ko kasi naisip na napaka makasarili ko naman kung hihilingin ko yun, dahil alam ko wala naman taong gustong maghirap ng ganun, naisip ko rin bigla na hindi naman siya magiging masaya kung ganun kami, ayoko makita siya maghirap ng ganun, di ko ata matitiis yun, oo nagmamahalan yung magasawang nakita ko kaya siguro di nila iniiwan ang isat-isa, pero para sakin mas gugustohin ko makita ang minamahal ko masaya sa isang bahay na maayos at payapa, kahit sa piling pa xa ng iba basta ang mahalaga eh masaya siya. kahit ako na lang ang magisa sa labas na nakikihingi ng isang basong tubig makita lang siyang masaya, masaya na rin ako….
ganon…. ganon ko siya ka mahal…. di na baleng ako na lang maghirap o magdusa basta ang mahalaga sa akin ay ang kaligayahan niya, kung saan siya ay may maaus na pamumuhay at ligtas sa kapahamakan…. ganon.