Posted by: marcpogi | February 25, 2008

lakad

dati naglalakad lang ako sa bayan mag-isa, pagka-galing sa eskwela o sa bahay ng kaibigan, tumitingin sa mga taong nakakasalubong o nakakasabay sa paglalalakad, bago umuwi dumadaan ako sa Cathedral para mag dasal.

noong mga panahong yon meron ako lageng nakakasalubong na mag ina, at sobrang puti nung anak nya at maganda pa, pag minsan galing din silang Cathedral, kakilala ako ng nanay ng magandang dalaga dahil magkakilala din sila ng nanay ko, lage ako nagugulat kasi hindi ko naman inaasahan na makakasalubong ko ang magandang anak nya, kaya lang eh nakasimangot ang dalaga sa akin, ewan ko ba kung bakit wala naman ako ginagawang masama.

isang gabi medyo maulan na noon pauwe na rin ako nag aabang ng jeep papuntang capistrano nang bigla ko silang makita sumakay ng papuntang g-gulang dun na rin ako sumakay sa kagustuhan kong makita uli ang dalaga sa malapitan kahit n alam ko saglit lang yon.

Sa pag biyahe namin ganun ulit ang nangyare nagngiti lang sa akin ang nanay niya at nakasimangot naman siya sa akin, gustong gusto ko ng magpakilala kaya lang masyado akong nahihiya hindi lang dahil sa nanay niya, kundi sa kanya na rin mismo kasi sobrang ganda niya. hanggang sa bumaba na sila hindi pa rin ako nakakaimik at dahil sa masamang panahon nung gabing yon, basang basa na akong naglalakad sa ulan pauwe dahil hindi naman talaga dapat g-gulang sasakyan ko, sumakay lang ako dun para makita at makasama ulit yung babaeng yun kahit saglit lang.

ngayon lage parin ako naglalakad sa bayan, lage ko nang inaabangan ang muling pag kikita namin, lage ko na siyang hinahanap kahit alam ko nasa malayo na siya. sana katulad na lang nung dati, sana kahit nakasimangot siya sakin kahit papano nakikita ko siya, masaya na ako nun kahit pa putikan akong umuwe matapos kong makita siya ok lang. sana makikita ko na lang siya tulad dati sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

sana kung sino man ang makakita sa kanya pakisabi na masaya ako pag nakikita ko siya, lage ko siyang naiisip at mahal na mahal ko siya, ang pangalan nga pala niya ay peachy. hinding hindi ko yoon makakalimutan.


Leave a response

Your response:

Categories