Posted by: marcpogi | February 27, 2008

sa mga kaibigan ko

Salamat sa mga kaibigan ko dahil hindi sila natatakot sabihin kung ano mga nasaisip nila, sa totoo lang minsan lang sa isang taon dumadating yung mga tao n magsasabi sa akin kung ano ako at sino ako, kung ano tingin nila sa akin at kung nagbago na ba ako kaya malaki ang pasasalamat ko. Alam naman na ni Grace na mahal na mahal ko si Peachy wala naman kami hindi napapagusapan na OK lang naman samahan namin kung baga wala ng gap, ganun lang siya talaga mag trato ng kaibigan, kahit sino naman sa inyo kaya niyang tratuhin ng kung ano pag trato niya sa akin, she’s good company if you’d try to talk to her about a serious matter.

OK na naman siya she moved out of a place where i last left her, kaya proud ako sa kanya, kaya naman hindi ko siya iniiwan kahit na may past kami tapos ngaun wala na kami is for the reason were good friends just like my batchmates, bandmates and other friends. Kilala niyo naman ako hindi ako basta basta nangiiwan ng kaibigan kahit sa anong bagay, kahit gaano kasama ang panahon, lalo na sa mga panahong may problema, wag lang sa pera hehehehe.

Alam niyo naman na hanggat maari ayoko makasakit, kaya nung nag break kami hindi ko siya iniwan ng basta basta, hinantay ko na dumating yung araw na matatanggap niya kung ano na lang kami dapat, kahit alam ko mahirap gagawin ko pa rin kung ano sa tinggin ko yung nararapat, kahit medyo nakakapagod, sa bandang huli bago ako matulog masasabi ko sa sarili ko na meron na naman akong nagawang mabuti sa kapwa ko.

Si Grace naulila siya sa ama kaya nag hahanap siya ng father type or father figure na magpapayo sa kanya at mag tuturo sa kanya kung ano ba dapat gawin. wala din sa kanya pumapansin sa kanilang bahay, sila lang dalawa ni yvet nagkakaintindihan pero ngayon may boyfriend na rin si yvet na tipong father type/figure din kaya wala na sila masyado oras para sa isa’t isa. hindi rin sila maxado naalagaan nung bata pa dahil malupit ang kanyang ama sa pag palo sa kanila kahit na sila ay musmos pa lamang. kung ano hindi niya nakita sa kanyang ama’t ina ay siya kong ipinapadama sa kanya.

madali din ako maawa, pag sinabi mong sorry ok na, wala na tayong paguusapan pa, hindi mo na rin kelangan ipaliwanag kung bakit mo nagawa yun o kung ano pa man, pero kung gusto mo talagang sabihin handa naman ako makinig. alam niyo ba kung bakit ako ganito sa mga kaibigan ko at sa lahat nang tao?

Kasi ako si Marc Ledesma.


Leave a response

Your response:

Categories