Posted by: marcpogi | February 28, 2008

kasuotan

image_00011.jpgmarami ang nagtataka nagugulat namamangha humahanga marahil ang iba ay nawiwirdohan sa kung paano ako magdala ng damit. pero ang totoo eh kung ano nakikita niyong kasuotan ko ay siya lang nasa tukador ko, ang mga damit kung yon ay mga bigay o pinaglumaan, kakaunti lamang ang talagang binili ko at pinili para isuot kasi sa dami ng nagbibigay eh wala na akong paglagyan sa tukador ko at hindi ko rin naman maiisuot yun lahat kung bibili pa ako nang iba, isa pa nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

para sa mga iba bagong bago pa ito at mahal daw siguro ang bili ko hindi sila naniniwalang bigay lang ang iba at pinaglumaan pa ito ang iba pa nga ay sampung taon na. siguro ganun lang talaga ako mag-alaga ng mga bagay na kung ano meron ako at kung ano pinagkaloob sa akin.

meron daw tayong kasabihan na kung paano ka manamit at kung paano mo dalhin ang sarili  mo dun daw makikita ang ugali at katauhan mo, mahilig ako sa makukulay na dami, siguro nakikita nilang makulay ang buhay ko, pero ang totoo niyan ay simple lang naman hindi man tugma sa kasabihang iyon, hindi rin naman madilim ang buhay ko. sabi nila iba daw ako mag kumbinasyon takaw pansin sabi naman nila fasionista daw ako, pero ang hindi nila alam yun lang talaga ang nasa tukador ko.


Leave a response

Your response:

Categories