Posted by: marcpogi | March 3, 2008

manyakis sa loob ng jeep

di mo maiwasan mga taong kasakay sa jeep eh, ang mga taong walang magawa sa buhay hindi mo naman pwedeng piliin kung sino ang makakasakay mo lalo na at gabi na at bibihira na ang biyahe, tulad kanina pag uwe ko sasakay na ako ng jeep na medyo puno na at sa labas pa lamang eh kitang kita ko na na puro lalaki at karamihan ay mga nakainom pa, nakakatakot dahil hindi mo alam baka bigla na lang sila mag-amok o mag-galas o kung ano pa man. sa pag tapak ko sa hagdan ng sasakyan napansin ko na ang dalawang babae na pinag-gigitnaan ng mga lalaki nilang kasakay tila takot na takot at walang magawa.

Ang mga babae ay nagtratrabaho sa mall, siguro naman alam niyo na ang uniporme nila na maikli, imbis na maupo ako malayo sa kanila eh pinilit kong tumabi dahil nababastusan na sila sa mga lalaking katabi, nakakatawang makita ang kanilang mukha ng tabihan ko ang dalaga, tipong na-asar at nagalit sila pero wala akong paki, basta alam ko ginawa ko ang tama, ang iba ay talaga namang lumipat sa harap ng babae para lamang mang boso, ang ginawa ko naman ay hindi na ako sumandal para matakpan ng binti ko ang hita niya, ang iba naman pasimple pang iniispatan talaga pero di sila umubra dahil nandun ako. hehehe

hindi ko ginawa yon para mang asar kundi ginawa ko kasi alam ko yun ang tama, yun nga lang mas nauna ako bumaba sa babaeng iyon, hanggang dun lang magagawa ko eh lalampas na ko eh, hehehe sorry….. ngayon ang tanong isa ka ba sa kanila o isa ka ba dun sa iba?


Responses

  1. nyak. mga manyak nga naman.


Leave a response

Your response:

Categories