Posted by: marcpogi | March 11, 2008

tunay na tao

marami sa atin ang may koleksyon ng kaibigan at kakilala, pero marahil mabibilang mo sa mga daliri mo ang tunay na kaibigan o ang tunay na tao sa kanila.

nag aral ako sa isang pribadong paaralan simula noong elementarya hanggang hayskul, marami ako nakilala sa kanila marami akong kaibigan, dahil sampung taon kami magkakasama noon sa paaralan pero iilan lamang sa kanila ang totoo, at sa pag akyat ko sa kolehiyo na isang pampubliko lamang, kung saan mababa ang matrikula, dun ko nakita ang iba’t ibang mukha ng tao at kahirapan.

sa pagpasok ko doon halata ng magkaiba kami ng kinamulatang paaralan at estado ng pamumuhay. malayo pa lamang ang tinggin na nila sa akin ay lubos na nakaka-angat sa buhay, na tila sila pa yung mahihiya kahit sila ay kabilang sa isang malaking grupo, ngunit nang una akong lumapit namangha sila na tila hindi nila inaasahan kung ano at sino talaga ako. madali daw ako pakisamahan at hindi ko daw sila minamatapobre tulad ng inaasahan nilang ugali mula sa mga estudyanteng galing sa pribadong paaralan, lalo pa at mga madre ang nagpapatakbo ng pinanggalingan kong paaralan.

dun ko nakita  ang mga tunay na tao, yun tipong mahihiya pa sayo pag tinilungan mo, ung mga taong marunong magpasalamat sa kung gaano kaliit na bagay na ginawa mo para sa kanila, yung mga tao na ultimo pamasahe na nila kung hindi mo malalaman na wala na silang pera hindi sayo lalapit sa sobrang hiya dahil alam nila wala silang pambayad, andun din yung mga tao na tulungan mo minsan, kailanman ay hindi ka iiwan, yung mga tao na mabababaw lang ang kaligayahan, yung mga tao na simple lang, yung mga tao na tuwang tuwa na pag may isang daang piso sa bulsa, mga tao na masaya na sa buong araw makakwentuhan mo lang, mga tao na akala mo sa telebisyon mo lang napapanood, mga jokes nila’y nakakatawa dahil hango sa totoong buhay.

tuwang tuwa ako pag nakikita ko sila ngayon, nagsusumikap para sa kanilang pamilya hindi pa rin sila nagbabago, nag papasalamat sila sakin dahil nabago ko daw ang pananaw nila tungkol sa mga taong galing sa pribadong paaralan at ganun din naman ako sa kanila. yung iba nga lang sa kasamaang palad eh wala na akong balita, dahil kahit nauso noon ang cell phone eh wala naman sila noon. hindi rin sila naturuan kung paano gumamit ng kompyuter dahil hindi naman ito naituro sa knilang paaralan. kaya masaya ako at nakilala ko sila sayang lang naglahiwahiwalay na kaming walang komunikasyon hindi ko manlang nasabing salamat sa ating pagkakaibigan di ko man lamang nasabing salamat sa ating samahan. kung pwede nga lang talagang ibalik ang nakaraan.


Leave a response

Your response:

Categories