Posted by: marcpogi | March 19, 2008

alas sais

ako si marc ledesma 24 taon na, dumadaan lage ako sa simbahan pag nag lalakad sa bayan, minsan nagkataon na eksaktong alas sais ako napadaan puro matatanda ang nasa harapan ng simbahan, mga nakatayo sila at nagdadasal habang nakikinig sa nangunguna ng angelus o ang dasal tuwing ika 12 ng hapon at 6 ng gabi, tumigil na rin ako at nagdasal, naisip ko na dito sa kumunidad na ito ako kabilang hindi matatandang kumunidad kung hindiang kumunidad nang mga kristiyano.

napansin ko din yung ibang taong nasa paligid ko na mas bata pa sa akin na wala silang pakialam at nag tetext lamang, at tinanong ko sa aking sarili na sa pagdating kaya ng panahon meron pa kaya susunod na henerasyon na pupunta dito at makikiisa sa pagdadasal ng angelus?

matapos ang dasal pumasok naman ako sa simbahan nang madaanan ko ang mga matatanda tuwang tuwa silang magkwentuhan at nag kukumustahan, ang sabi pa ng iba “hoy kamusta na ang pakiramdam mo buti nakakabawi ka na at malakas ka na ulit!”, ang iba naman ay pinagkwekwentuhan ang mga may sakit nilang kasama dati at kung ano ano pa tungkol sa kanilang edad at sa mga kalusugan nila.

nakakatuwa silang panoorin at pakinggan, at pag labas ko sa simbahan may nakasalubong akong kaibigan sabi niya “san ka galing?” sabi ko naman “nagdaan ako sa simbahan” tapos tinanong niya ako “bakit may kailangan ka noh?” at taas noo kong sinabi na “hindi ah hindi naman ako dumadaan sa simbahan pag may kailangan lang”. at naghiwalay na kami, habang papalayo siya naisip ko na mali pala ang sinabi niya at sinabi ko sa kanya, saka ko lang naisip na ang tamang sagot pala ay “dapat nga araw araw tayo dumaan sa simbahan o sa kanya kasi araw araw natin siya kailangan.”

sana maraming tao ang makatuklas nito sa kanilang mga sarili, sana pagdating ng panahon marami pang tao ang magpupunta sa simbahan hindi lang dahil sa may gusto silang hilingin. hindi lang upang mag text o gawing antayan lang. sana dahil dito magkaroon ng magandang pagbabago sa mga tao na hindi alam ang kalagahan ng pagpunta sa simbahan upang magdasal. dahil nag hihintay lamang siya sa inyo upang dalawin niyo at makita kayo.


Responses

  1. tama =) keep ur faith strong my friend


Leave a response

Your response:

Categories