Posted by: marcpogi | May 27, 2008

story of a girl: greenwich

nag work ako sa greenwich dati, during my final interview there where only 5 of us left sa 30 plus na nag apply 3 girls and 2 lang kami lalaki, then tanong ng manager namin na lalaki yung may mga recent status namin kung in a relationship ba o single, ung katabi kong magandang babae sabi niya kakabreak lang daw nila tapos nung ako naman ang tinatanong sabi kakabreak din lang, ‘coz that time sakto magkaaway kami ni Grace, we decided to break up. then sabi ng manager namin oi i smell something, pero sana kung mag kakaroon man ng relationship dito sa store eh sana pagnagkaroon ng problema wag niyo na idamay ang trabaho niyo kasi pag pumalpak kayo during your duty just because of your relationship masisira ang pangalan ng store.

Pero ok talaga siya kasi mabait siya tinanggap niya yoon ng wala lang at ganun din naman ako. Hinahantay ko siya makasabay ko sa duty pero hindi kami nagkakasabay. nung nagbirthday ako dun kinantahan ako ng buong staff kasama na rin ang mga manager ng store masaya ako noon at nawala ang pagod ko, nung pababa na ko ng jeep bigla siyang bumulong  sa akin at sinabing sorry ha wala akong regalo sayo.  biniro ko naman  siya noon sabi ko kiss na lang hehe, sabay baba sa jeep, at nag bye bye. hindi siya nakaimik nung sandaling yon parang napaisip o naooffend, syempre nahiya na ko noon, sabay sabay din kami umalis noon sa trabaho dahil nag aaral pa kami noon.

naging classmate ko rin siya sa TESDA sa hindi inaasahang pagkakataon masaya ko noon syempre kasi may kakilala na kaagad ako, hanggang nakapagtapos na kami, nakakatext ko pa siya noon tapos nabalitaan ko na nagtrabaho na rin siya sa Laguna, nung panahong iyon alam niya na nagkabalikan kami ni Grace, at isang araw nakatanggap ako ng text galing sa kanya at ang sabi niya sa text, “dahil sayo kaya ako nagkaganito, dahil sayo pinilit ko magmahal ng iba pero hindi ko kaya, hindi ko sana siya pinili, hindi sana mangyayari to!”

hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko noon bigla akong natigilan sa gitna ng maraming tao sa mall. madali kong tinawagan ang numero niya pero hindi ko na iyon makontak. simula noon wala na ulit ako balita tungkol sa kanya.


Leave a response

Your response:

Categories