Posted by: marcpogi | June 17, 2008

story of a girl: scars and lessons learned

aqualung_brighter_than_sunshine

happy or sad we all learn something from our past, lessons that can be sometimes be forgotten but often remembered only when the situation is gone or have had happened the next few hours or sometimes even days.

those stories told me a lot of lesson that sometimes i haven’t payed much attention. i will always carry those stories in my heart, because those stories made my eyes wide open, big enough to see how a man can be dangerous, how a man can easily break a womans heart even without knowing it.

sana may natutunan din kayo kahit alam ko medyo nababaduyan na kayo sa mga kwentong yun, dahil ako hindi ako magiging ganito, hindi ko matututunan kung ano ang mga bagay na dapat muna isipin bago ito gawin.

some say everything happens with a purpose, maybe it all happened just to teach me a lesson i wont forget, nito ko lang nalaman mula sa isang kaibigan na ang pagsasabi ng joke sa huli ng mga binitawang salita ay half meant. kung iisipin ko matagal ko na dapat pala alam yun dahil nasa harapan ko na hindi ko lang alam kung papano sasabihin at kung ano ang tamang tawag sa ginagawa kong iyon.

hindi pala talaga biro ang sabihin mo sa isang tao na gusto mo siya, at kahit sobrang close kayo ipakita mo sa kanya na hanggang dun lang yun, kung wala ka naman talaga nararamdaman. kailangan maging sensitive lalo na pag magkasama kayo, dahil kung minsan meron na pala silang gustong sabihin.

totoo pala na kaming mga lalaki eh magaling mambola hindi ko rin akalain noon na makakapagsabi ako ng mga bagay na magpapangiti sa mga babae, dahil noong high school eh hindi naman ako masyadong nakikipagusap sa kahit sino lalo na at babae. lage kasi mali lumalabas sa mga labi ko noon, hindi ko alam kung bakit nung mga panahong nakilala ko sila eh parang tuwang tuwa sila pag magkausap kami.

tinatandaan din nila maige ang bawat salita na bibitawan ko, eh ako naman si gago bitaw lang ng bitaw ng salita hindi muna ako nagiisip. akala ko kasi lage lang sila nandiyan hindi ko alam na isang araw mawawala na lang sila, tapos malalaman ko na lang na hindi pala lahat ng bagay na nakikita ko noon ay ganon lang ka simple. hindi kasi ako noon marunong makiramdam.

kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ko na gagawin yung mga bagay na ganun, nangako ako na kung magmamahal ako sisiguraduhin ko na hindi siya iiyak, yun nga lang hindi ko rin inasahan na ganun kabilis ko siyang makikilala.

para ako ngaun nakakarma, mula nung nakilala ko siya, dahil kabaliktaran siya ng lahat ng mga babae nakilala ko noon, ni hindi nga niya ako nirereplyan sa mga text ko, ako naman ngaun yun napapaiyak minsan nga gusto ko nang sumuko pero hindi ko naman siya minahal para lang humanap ng iba pag hindi ko na ka, at sa tuwing makikita ko ang kanyang larawan sasabihin ko sa sarili ko na patanga tanga na naman ako maghahanap pa ba ako ng iba eh nasa kanya na lahat.

sa dami ng natutunan ko dati natatakot nako na makagawa ng mali at heto naman ang epekto sa akin masyado naman ako takot, sinabihan nga ako nung kaibigan kong si jessie nung birthday party ni meyn(isa ko pang kaibigan), sabi niya o ano lapitan mo na para kang hindi si marc na nakilala ko ah. napakamot na lang ako sa ulo ko nun kasi hindi ko alam gagawin ko.

ang tanga tanga ko talaga mula noon jan 13 hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. ang layo kasi niya pag nagkita na naman kami baka ma torpe na naman ako kasi hindi ko alam kung saan ako lulugar. goodluck na lang sakin.

basta ang alam ko masaya ako sa pagsusulat ng mga kwentong ito, gumagaan ang pakiramdam ko bawat salita na tinatype ko na parang napapatawad na nila ako dahil siguro unti-unti kong na rerealize kung ano yung mga maling nagawa ko noon.

ill say its a part of growing up when you realize something you’ve done wrong in the past, rather than saying all the things you did to make things right without even explaining what you’ve done wrong.

sabi nga ng mga kaibigan ko strong daw ako, dahil pag nagoopen sila tungkol sa mga problema nila parang iba daw yung mga payo ko, parang hindi daw ako apektado, parang balewala daw, minsan nagpapatawa pa ko kahit lumuluha na sila sa harapan ko.

para ngang ang yabang ng dating ko, pero siguro nasa isip ko non mababaw pa yang iniiyakan mo sa mga naranasan ko. pero binibigyan ko pa rin sila ng payo kahit na hindi pa nila ma-kuha kaagad kasi lasing at medyo makitid pa ang utak alam ko tama naman yung sinasabi ko, dahil pag ganun iisang side lang yung nakikinig mo, yung part nung kaibigan mo, paano naman yung part nung kabila diba.

we cant say maybe theres so much more or bigger story than what you heard from your friend thats why things go wrong for him or her.

kaya siguro para sa kanila kakaiba yung mga payo ko kasi parang mas kumakampi pa daw ako sa kabilang side. hehehe.

well strong or not im happy to have met and to learn from all those people in my past. marami din nagtatanong kung may pagakakataon magiging kami ngayon ng kahit sino sa mga babae na nasa kwento ko, iisa lang ang sagot ko kung nasaan man sila alam ko masaya na sila at ganun din naman ako dahil kahit hindi ako pinapansin ng mahal ko masaya ako, yata.

sa totoo lang hindi. ikaw kaya hindi ka mapansin.


Leave a response

Your response:

Categories