Posted by: marcpogi | June 19, 2008

ano kaya kung…..

ano kaya kung hindi nauso ang damit?

uuso pa kaya ang porn movies? siguro dress up movies ang uso.

panu na tayo pipila nyan? nakatagilid?

siguro pantay ang kulay ng mga babae pagkatapos magbeach at walang matitirang bakat ng two peace.

baka walang fasihon tv kasi hindi naman uso ang damit, baduy lang manonood nun.

lahat ng tao pwede pumasok sa mga maharlikang o sa mga pangmamayamang gusali sa kahit anong okasyon, wala naman kasing dress code eh.

siguro puro naka henna at tatoo lang ang mga bata pag mag ttrick or treat, sa holloween.

ano pa kaya makikita natin niyan sa department store?

napakahirap naman, hindi mo alam kung sino ang empleyado at sino ang kostumer. siguro sa id?

panu na lang kung nakasakay tayo sa jeep, eh diba magkakaharp yun!

parang ayoko sumakay sa malapit sa babaan ah, uso pa mandin dito ang sumasabit.

lalo naman siguro sa katabi ng drayber.

panu kung kumakain ka sa isang mall tapos may mga naka sandal sa pader nitong salamin.

magiging iisa kaya ang CR ng babae’t lalaki?

wala na sigurong stripper.

siguro boring na para sa mga bata maglaro ng barbie dolls.

alam mo na siguro kung sakali mang mapadaan ka sa medyo madilim na lugar tapos masama ang tinggin sayo ng lalaki siguro makakatakbo ka na agad at makakasigaw, e di maiiwasan ang rape.

mauuso siguro ang jewelry para dun sa mga parts na kita na noh.

wala na tayong tatawaging felix bakat at taong labas.

hehe nakakatawa nga naman isipin, na parang ang hirap, ewan ko.

salamat ke pol kung hind dahil sayo hindi ko maiisip ang kalokohang to, hehehe.

kayo ano sa tinggin niyo?


Responses

  1. oo nga…hai, buti nalang matalino ang mga tao at nakaimbento sila tela na panggawa ng damit….

  2. Sisihin si Eba, ahas lang ‘di niya kinaya. Ayun kinain si iPod.

    hakhak

    elyens

    XXXxx

  3. hahaha. :lol:

    parang ampanget ng buhay ng walang damit.

    wala ng kikay? haha :roll:

    parang hangsagwa…hehe

    buti na lang me damit..buti na lang talaga.

    napadaan lang :)

  4. hehe.

    salamat at nagustuhan niyo at natawa kayo sa mga kalokohan ko.^^,

    salamat din sa pagbisita :)

  5. pano kaya kung walang balat ang tao? pero uso ang damit?! haha nakakadiri un pag naliligo!! mapaglaro din ang isip mo pare. . kung ako magsusulat ng ganyan. . . baka pagtawanan lang. . hehehe. . subukan naten walang damit sa simbahan. .makakapagmisa kaya ang pari?!hehe


Leave a response

Your response:

Categories