Posted by: marcpogi | July 7, 2008

lahat ng okasyon sayawan na lang!?

noong unang taon ko sa kolehiyo simple lang ako, ordinaryo lang naman pero medyo maporma na ang pananamit gaya nga ng sinabi ko dun sa nauna kong naisulat na ang pamagat ay kasuotan.

marami ako noon kinakahiligan na mga tugtugin luma man o bago wag lang opm, rap at yung maxadong hip-hop. alam ko na medyo kulang ang skwelahan namin pagdating sa mga badyet para sa mga ekstra kulikular na gawain para sa mga studyante, dahil gobyerno lang ito at maliit na paaralan.

dahil maliit ang populasyon halos magkakakilala na lahat ng tao, sa pangalan man o sa mukha, pamilyar na ang bawat isa sa amin, sabi ko sa sarili ko may magawa ka lang ditong isang bagay, tama man o mali, sikat ka na.

hindi ko rin naman inaasahan na mapapasali ako sa mga kaklase ko upang maging bokalista ng banda, at yun na nga, kahit wala maxado badyet ang paaralan, pinagbigyan kami at nagpa-battle of the bands noon, 2nd place kami noon kasi ang nanalo eh mga show band na may torotot na mga tagalabas ng skul. anu nga ba naman laban naming mga baguhan dun, kaya ayun tinorotot nila pinaka malaking premyo.

ikalawang taon na namin, syempre sikat na kami bilang banda, parang namroblema ang skul nun kasi mahal daw ang pa battle ng banda at di na daw mauulit. tsktsk wawa naman kami. kaya sa mga susunod na okasyon daw eh sayawan na lang.

nung una parang ang baduy naman noon para samin, lalo na at kakumpetensya namin  ang mga dancer sa palakasan ng tugtug, dahil pagkatapos ng klase eh dun na kami nagsesepra at sila naman ay nag eensayo sa pagsasayaw.

ang nangyari eh lahat ng okasyon sa aming paaralan eh sayawan na lang, dahil mura lang naman daw ang budget dun. kaya naman aattend lang kami para mag inom at magkasama sama lang, pero habang lumalalim ang gabi at lumalakas ang tama eh parang gusto na namin ilabas at ipawis ang alak na nainom.

kaya ang ginawa namin eh pumunta kami sa gitna at nagtatango ng ulo, pumila at nag lakad sa mga pagitan ng ibang grupong sumasayaw, snake kung tawagin nila. nagustuhan din namin yun kahit mukha kaming mga tanga dahil sa kalasingan.

nung sumunod na sayawan syempre laging intermission ang mga dancer para magsimula ang okasyon. pagkaupo ng mga dancer, wala ng tao sa gitna, at wala rin naglalakas ng loob para maunang sumayaw. nagsalita ang isa sa mga guro, at sinabing “pag walang sumayaw sa loob ng limang minuto uuwe na tayo lahat!”

nahihiya pa ang lahat pati mga dancer na kakasayaw lang eh nahihiya rin, nauubusan na kami ng oras, sabi ko sa mga kabanda ko eh “ano ganto na lang ba tayo? di pa tayo nakakainom, sayang din inambag natin dito, ano pangunahan ko na?!” at sumagot naman sila “sige mauna ka susunod kami!”

at yun na nga nauna ko, nagtinginan lahat ng studyante na parang namangha, at dahil lalake naman kausap mga kabanda ko sumunod sila at nagtangoan ulit kami ng mga ulo sa gitna, kahit wala pang tama ng alak eh kami yung naglakas loob na umuna sa gitna ng sayawan.

sumunod samin mga manyakis na ibang kurso, dahil alam nila na pagnatigil ang sayawan eh walang mangyayaring maganda sa gabi nila. so ayun dumami ng dumami ang mga taong nagsayaw, at tuwing may okasyon laging ganun ang nangyayari.

tumitigil lang kami pagsasayaw kapag sweet na ang tugtug, bumababa kami upang kumuha ng alak, at pag tapos n ang sweet heto na ulit kami, niloloko namin ang mga dance troupe kapag nagtitipon tipon sila sa gitna katabi namin, tinatanong naman sila kung intermission ba yung ginagawa nila kasi yun din yung step nila lage.

tapos naalala ko ang aking mga magulang na hari at reyna ng disco, ang tatay ko pag sumayaw nagpapahinga lang pagiihi at mag pipiga ng damit sa sobrang pawis, dahil mahirap lang sila noon kahit pang entrance lang sa discohan ok na, kahit walang laman ang tiyan at walang ini-inom na alak.

syempre haydol ko ama ko, meron naman ako namana sa kanya sa pagsasayaw kahit konti, at yun ang ginamit ko sa mga sayawan ng aming skwelahan, hindi kami nagpapatalbog sa mga dancer, sila nga ang intermission pero kami ang palabas, tuwang tuwa ang mga guro sa aming banda noon, “kahit saan dawmi” kami ilagay eh pasok daw ka, parang sinabi nila na alternative band kayo pero sumasayaw kayo, sa isip ko sinabi ko na “eto po ang alternatibong pagkatao namin”.

tabs jade marcpogi adjan

tabs jade marcpogi adjan

pero ang pagsasayaw namin noon eh di gaya ng mga dance troupe na modern ang sayawan namin ng mga kabanda ko eh tila kenkoy, parang tanga lang, at retro. anything goes ika nga disco naman eh. kaya lalong nasisiyahan samin mga kapwa mag-aaral at guro, tinitingnan nila kami na parang gusto nila sumama samin sa gitna.

napapagod din ang iba at umuupo, pero kami hindi kami titigil hanggat hindi sweet ang kanta, dirediretso lang. iisang beses ko lang nagawa na pigain ang damit ko dahil sa sayawan. at naisip ko noon, ang saya pala ng disco, parang mala footloose at grease ang mga tipo kong sayaw noon, pero xempre di naman ako ganun kagaling.

yung mga sayaw na tipong baduy na daw ngayon pero napaka ganda naman talaga, nagkokostyum pa nga sila noon bago pumasok sa mga discohan eh. pero sigurado kung mga 80’s ang tugtugan noong nasa sayawan kami noon malamang nag pipiga ako ng damit ko sa bawat okasyon ng skul namin.

sa mga sayawang yun gusto lang namin ng mga kabanda ko na magsaya at uminom ng konti, clean fun lang, pero lagi kami inaakit ng ibang kurso sa inuman pa daw matapos ang sayawan, extension kung tawagin, dahil hindi daw sasama yung mga ibang target nilang babae kung hindi kami kasama.

ang hindi nila alam eh ayaw naman talaga sumama nung mga babaeng yun at alibay na lang nila na kung hindi kami kasama eh hindi rin daw sila sasama, kasi alam ng mga babae na hindi rin kami sasama dun sa mga maiiitim na balak ng mga taga ibang kurso.

sarap ulitin nung panahong yun, kasi sobrang saya, laging kami ang bida, kami ang sikat, kami ang usap usapan ng mga tao, maganda man o pangit wala kaming pakialam, basta masaya kami, at maniwala man kayo o hindi sa lahat ng okasyong iyon wala ako naisayaw na babae sa sweet, kasi nahihiya na ako dahil puro sweat na ako. hehehehe. :lol:


Responses

  1. naligaw ako!…pano puro kaliwa ang paa ko
    wahaha…

  2. yeah!!
    buti ka pa.
    nakakapagsayaw..
    ako hindi :P
    pang-banyo lang….
    bwahahaha.
    parehong lefty ang paa…

    nyahahah…

  3. hehehe ako rin naman pareho kaliwa paa,

    kaya medyo trying hard pa rin tigas pa katawan, hehehe

    pero ayos lang yun, yung kasama ko nga eh pareho kanan paa,

    yung isa naman may buntot pa, hehe joke.

    masaya magsayaw kahit trip trip lang minsan lang naman kasi diba.


Leave a response

Your response:

Categories