pilsen yan ang inuming gusto ko. hehehe
kahapon nagpasama sa akin ang aking ex gf best friend combo na si grace, dahil medyo nababagot daw siya at medyo gusto niyang magrelax dahil kakatapos lamang ng isang malaking dagok sa kanyang buhay, gusto daw niyang mag uli sa bayan o sa mall, pumayag naman ako kasi wala naman akong gawa ng mga oras na yon.
nasa SM kami sabi niya parang gusto niyang manood ng sine, sabi ko sige ako rin gusto ko manood ng batman, eh sabi niya ayaw daw niya noon bibili daw muna siya sa grocery, pero naubos na oras namin at hindi na kami naka abot sa last full show, babae nga naman ang tagal pumili ng mga gamit.
mula noon hindi ko na naitago ang aking emosyon, ilang ulit niya akong tinanong kung bakit, sinabi ko na rin ang dahilan matapos ang buntung hininga, sabi ko “namimiss ko na kasi si peachy!” ayoko sabihin sa kanya kasi alam ko masesermonan na naman ako sa aking katorpehan. pero ayun hindi ko na mapigilan eh.
tumawa siya at sabay higit sa aking kamay, sabi niya tara dun tayo sa high temp, (isang bar na kaibigan namin ang may ari) tapos ayun napainom kami, umorder kami ng bucket of 7 any beer, sabi niya san mig light daw sa kanya, at syempre pale pilsen sakin, 3 sa kanya 4 sakin, para daw ako matanda sa choice of beer ko pero para sakin mas masarap naman talaga.
natapos na namin ang inuman, umuwi na rin kami, manhid na kasi pagmumukha kong manipis, hehe hindi na rin kasi ako sanay maginom, hinatid ko na siya sa kanila, at sa pagsakay ko ng jeep pauwi naisip ko masarap din pala pakiramdam ng malalasing ka dahil sa babae, nung una kasi pag naririnig ko yung mga salitang yun sa mga kaibigan ko iniisip ko na wala naman magbabago sa sitwasyon niyo ng mahal mong babae nalasing ka lang ngayun bukas problema mo ulit yan.
pero ayun, iba talaga pakiramdam ng may spirito ng alak sa katawan, kung dati kasi ang tagal ng gabi dahil hindi ako makatulog kakaisip sa kanya, pag lasing ka ang bilis ng oras hindi mo mamamalayan umaga na pala. lasing eh….. hehehe
ang sakin naman san mig strong ice… feeling ko free na free ako pagnakainom… pero dati yun… yoko na ngayon.
By: ifoundme on July 28, 2008
at 9:43 am
kung sa bagay…
nakakalimutan mo ng “PANANDALIAN” ang sakit na iyong nararamdaman…
wahhh?!
emo!
hahaha…
taeee!!
hahaha…
HOKAGE AKO!! haha.
kagaya mo!
By: ayyzzz on July 29, 2008
at 3:19 am
hokage hehehe, kakapost ko lang ng comment ko na yun kay mix ah,
dahil si mix ang katandaan sa atin d2 si mix ang 3rd hokage ako naman ang 4th at ikaw naman ayyzzz ang ikalima na si tsunade, ang 5th at pinaka malaking babae sa naruto. =^_^=
kahit parang walang wala na, di tayo nawawalan ng pagasa,
matatapang tayo mga hokage eh, lahat pinagplaplanuhan ang bawat sitwasyong lulutasin, bago kumilos para pulido ang trabaho,
dapat pala sake ang nilagay kong inumin. hehehe
oo trip ko rin ung strong ice (strong ayyzzz)
kaso hindi lagi available sa mga sari-sari store eh, parang si ayyzzz hard to find, limited edition or should i say one of a kind. lol.
kampay!!!
By: marcpogi on July 29, 2008
at 4:08 am
hehe… pilsen, RH, basta kasma ang barkada, ganado!
By: wei on August 3, 2008
at 3:02 pm