ngayung taon… (malamang iisa lang naman talaga ang bertdey ng tao sa isang taon)
ikalabing dalwa ng enero dalwang libo at walo, nagtungo kami ni mix at isang pang kaibigan (itago na lang natin siya sa pangalang bruce aka batman) sa makati kung saan sasalubungin namin ang kaarawan ng isang taong malaki …. ang …. naging parte niya sa mga buhay naming magkakaibigan, in SHORT Bigaten. hihihi
ang malupit na gitarista ng genuflect na si marmeyn aka guitar lord, ay magdiriwang ng ika dalawamput apat na kaarawan.
wala naman talaga ako pera para makapunta ng maynila nung panahong iyon, pero sabi niya pag nasa makati daw ako siya ang bahala sa akin, nasa isip ko nun na ayaw talaga ako nito mawala sa spesyal na araw niya.
nakatakda silang tumugtug nung gabing yun pero hindi na rin kami natuloy, to cut the story short wag nang banggitin. dun sa bahay nila eh nasermonan kami ng haligi nila dun si tito steve, dahil na-dala na daw siya dun sa mga naunang party, kaya naman ang sabi niya sa amin ni bruce eh, kung magyoyosi daw eh sa labas ng bahay kasi ayaw niya na may masusunog sa kung saan man ipapatong yung sigarilyo, meron naman daw ash tray, at meron din daw siya iniwan mga suka bags dun, yung sosyal galing sa eroplano. hehehe
Pero ayos lang yun natural lang yun, hindi ko na maalala kung nasabi ko nga ba na hindi ako nagyoyosi, ewan basta yun na yun. so party na kami maraming pagkain at apat na talampakang reprijereytor na puno ng beer.
nagmistulang reyunyon ang gabing iyon,
dahil halos lahat ng tao doon
ay iniluwal sa loob ng iisang taon,
ipinanganak sa ibat-ibang araw,
ibat-ibang buwan,
nagmula sa ibat-ibang lugar
at ng gabing yaon
nagtungo sa iisang okasyon
na sa aming puso ay ang nagiisang si marmeyn pabellano.
madami kaming dumalo
at alam ni marmeyn na marami pang dadayo,
kahit ako may hinihintay na isang tao
doon sa aming salo-salo.
nakakatuwa,
parang tula,
masayang itala,
at ilathala,
ang aming ginawa.
hehehe, at yun na nga po,
dumating na ang aking hinihintay,
akoy napakaway,
sa babaeng puting -puti ang kulay,
napuno ako ng buhay,
nawala ang pagkatamlay,
parang kumain ng gulay,
ngunit sa kanyang mga kamay,
gusto kong humimlay,
o kaya naman ay dumantay,
na parang hinimatay.
niloloko ako ng mga ka batch ko dahil nasa harap ko na daw hindi ko pa makausap, na torpe na ko ng todo, talagang naubusan ako ng sasabihin, kabado ako, takot, eksayted, halo halong emosyon, kakaiba talaga pag kaharap ko na siya, ika nga sa salitang banyaga eh “lost for words”. kahit manlang liriks ng kahit anong kanta wala akong naisip para sabihin sa kanya, at sa pagpapakodak eh nahihiya pa rin ako, tatanga tanga talaga ako.
yun nag kodakan (piktiyuran) na muna kami ng kumpleto bago mangagsilayas ang iba, busog kami lahat! at wala naman nangyaring kinakatakot ni tito steve, hindi rin kami masyado lasing swabe lang.
kwentuhan tu da maks,
hagalpakang parang walang katapusan,
napakakulit na kulitan,
asarang nakaka asar,
at syempre pikonang walang napipikon.
at si marmeyn na may kaarawan, eh ayun pagod na naka handusay sa sala, dahil sa pagod mag asikaso, at kahit tulog na siya alam namin masaya siya kahit hindi dumating si…. sila…. basta sina…. kwan ayun. hehehe (baka magalit!) kahit tulog na siya nakikinig pa rin ng aking mga tenga na sinasabi niya sa malagong at magaralgal na boses na “saya!….. ang saya!!……birthday ko!!!……” sabi ng ibang natirang kasama pa namin dun sa bahay humihilik daw si marmeyn. hihihihi (nang aasar lang! peace!)
meron lang ako iilang oras na tulog, naiisip ko pa rin si peachy at ang aking katangahan, naisip ko na para pala akong nasa mababang paaralan ng elementariya, na bago pa lamang naka dama ng pag-ibig, nung gabing yaon. kaya naman naisipan ko na iligo na lamang at baka mabuhusan ng tubig ang katorpehan ko at tuluyan ng lumubog sa dreyn.
dumating ang umaga tirang pagkain ay hinusgahan namin hanggang maubos, pati yung kay tito steve eh naubos, naku patay! sermon ata ang aming matamis, kaya naman yag-yag na kami ni marmeyn papuntang palengke at bumili ng pang dagdag na ulam, ngunit pagbalik namin ayos na daw.
pagkatapos ng pahinga kamiy napa DotA, hanggang matalo at durugin ng iba, salamat na lang at nakaupo lang kami sa kompyuter shop, pero kung naglalakad kami eh iiwan ko na sila, masyado mabigat.
nag lakad lakad kami sa
paligid para maghanap ng kakainan
ngunit wala kaming naabutan,
kamiy di pa naghahapunan,
at nang hindi na makatiis
sa 7/11 kamiy nagtiyaga,
umuwe at humiga
sa kwartoy namahinga.
madaling araw na,
kelangan na umuwi ng probinsiya,
kamiy namaalam sa nagdiwang ng kaarawan,
hanggang sa muli ang aming bati,
ingat ang kanyang tugon,
naglakad kaming mga lalake,
patungo sa kanto na may biyahe.
masaya kaming nagdiwang,
malungkot na namaalam,
ala-ala ng kaarawan,
di maiwasan,
sayang dulot tila walang hanggan,
ang aking puso ay nadurog,
dahil wala akong nasabi sa aking irog.
masaya ako nung makita ko siya, masaya ako nakasama ko mga kaibigan ko, nagpapasalamat ako dahil inimbitahan ako ni marmeyn sa kanyang huling kaarawan. (ngayong taon.)







Basta pare ako ang pangalawa sa pinakamaputi sa picture kaya dapat ako ang pangalawa sa mga mahal mo! hahaha! Tangina, namiss ko kayong bigla, para mo akong tinotorture dito sa post mong ito! hahaha! Ingat palagi Master Hokage! Dattebayo!
By: mixglorioso on August 1, 2008
at 1:12 pm
P.S. Sana hindi ako makilala ng readers ko dito, bangag ako sa mga larawan ampf! hahaha! Parang higad pa ang bigote! hahahahahha!
By: mixglorioso on August 1, 2008
at 1:13 pm
ang saya nyo naman, for sure namimiss nyo na bawat isa. lalo ka na marc, miss na miss mo na ang iyong tunay na pag ibig. pero balita ko hindi dumating yung regalo nyo para kay meyn. hinintay pa man din nya si _____! hehe.
By: peach07 on August 1, 2008
at 6:47 pm
hindi ko mapigilan, na sakiy maglulan, mga salitang aking nasabi, ang tugma ay nagwari.
—-ano ba meron sakin? malayo pa naman linggo ng wika, di ko nga alam kung tama ba malalim na salita na sakiy nagmula.
higad eh, hahaha siguro nga di ka nila makikilala dahil jan.
oo nakakamiss talaga siya, pati yung mga kaibigan natin syempre, dahil kayong mga kaibigan ko ang talagang kasunod sa listahan ng aking mga mahal sa buhay, 8.5 shoes ko 28 bewang ko, kung wala shoes kahit medyas na lang, kung walang pants brief na lang, yung large. hehehehe
lambing lang, ingat kayo mga friendly friends, nakaka miss talaga kayong lahat, lalo na at marami tayo. masaya man o may problema alam natin laging may kaibigang aalalay.
By: marcpogi on August 1, 2008
at 7:28 pm
sobrang saya naman ng bday ni meyn!! buti nalang wala ko dun at baka mag 2 days ang celebration!! ok na wala kame nina dox para balance!! hehehe. . too much happiness can kill everyone!!
By: pol0106 on August 4, 2008
at 3:22 am
tam,a ba yung basa ko, january 12??? wahahahahaha!!! kabertdey ko!!!
ang saya. solmeyyyyts!!! wahahahaha!!! apir! xD
By: batopik on August 5, 2008
at 10:08 pm
kayo nga ni dox kulang hehe, too much of something is really bad but it doesn’t really mean to kill you instantly, ‘coz by the time you realize you had enough thats the time you have to change.
elow batopik 13 talaga bday niya sinalubong lang namin nung 12 para pagpatak ng alas dose, eh bubuhatin namin siya at kakantahan ng hapi bertday, kaya nung alas dose na kumanta kami at binuhat namin yung mga iniinum namin at nagcheers.
d namin xa kaya eh, bote na lang. ^^, salamat sa pag dalaw!
By: marcpogi on August 6, 2008
at 6:10 pm
salamat sa masayang alaala…. salamat… salamat… salamat sa lahat
By: meyn on August 12, 2008
at 10:32 pm