Posted by: marcpogi | August 23, 2008

sundo

Naaalala niyo pa ba kung ano-ano ang mga ginagawa niyo dati pagkatapos ng skwela? Ang iba sa inyo siguro eh madungis dahil sa paglalaro ng sports na kinahiligan, o kaya naman eh sa mga larong pinoy tulad ng chi-cho, sipa, habulan, taguan, bahay-bahayan, at kung anu-anu pa. ang iba naman eh malinis medyo amoy amag o papel galing sa mga library ng paaralan, napakahirap pang hagilapin ng mga susundo lalo na kung malaki ang paaralan dahil wala pang cellphone.

pero ngayon iba na, kadalasan sinusundo na ang karamihan sa mga bata na presko at mabango, amoy aircon sa pinakamalapit na computer shop sa kanilang paaralan, ang iba eh nag lalaro lang, ang iba naman ay nag reresearch, at ang kagandahan pa nito eh napapabilis ang pagreresearch , marami ka pang pwedeng gawin sa harap ng computer at updated din ang mga teksto.

ngunit kung ako papipiliin mas gugustuhin ko yung dati kahit napapalo at pinipilipit ang aking tenga, dahil sa sobrang pawis, dungis o kaya naman napakaraming librong labit labit na hiniram sa library, at dahil na rin sa paghihintay at paghahanap sa akin ng aking sundo.

mas masaya ang buhay noon kahit hindi high tech, mas gusto ko yung pakiramdam na pinagpapawisan ka sa paglalaro, yung tipong nagpapaligsahan sa kung anong kayang gawin, kwentuhan, kulitan, asaran, nakikita mo yung ibang kabatch, at marami pang iba.

sa loob naman ng library marami rin taong nandoon busy lahat tahimik, meron nagmamadali, merong hindi alam kung saan mag hahanap ng libro, meron din naman hindi alam kung paano magsisimula, meron nagtataka kung tama ba kaya ang nakuhang libro.

ang kagandahan sa loob ng library eh, makikita mo kung ano binabasa ng iba’t-ibang tao, magtataka kung bakit nila yun binasa at makikibasa ka na rin, makakakita ka rin ng mga librong hindi lang basta libro na hinahanap mo, syempre ma-cucurious ka kung bakit may ganitong title sa ganitong seksyon, kung bakit ganito ang title ng libro at kung ano nilalaman nito, kung bakit binasa ito nung taong crush mo, at kung anu-anu pa.

nandoon pa rin yung tinatawag nilang skimming and scanning, di katulad sa internet direct to the point, itatype mo lang ang kailangan mo kay wiki at nandun na, copy paste, tapos!

kaya masmaganda sa library dahil bawat pahina ng libro ay iba’t-iba nilalaman at matututunan, kahit gabihin ka sa paghahanap ng assignment mo doon masaya naman kasi alam mo na hindi ka solo, at pare-pareho kayong hindi pa nakakagawa dahil naghahanap pa rin.

pages starts to yellow at nabago na ito ng panahon at teknolohiya napakabilis na ng mga bagay trenta minutos lamang ayos na.

di katulad noon pagkatapos ng klase ilang oras ang aabutin bago matapos ang assignment at paglabas ng gate ng paaralan pare-pareho kayong hatak sa tenga at nakangiti pa rin sa isa’t-isa at sasabihin “bukas ulit!”


Responses

  1. hehehe! sarap tumambay sa school na pareho pareho rin kayo ng reklamo sabay hatakan pa ng notebooks kasi magkokopyahan. nakakamiss no?

  2. oo nga talagang nakakamiss ang school life. di lang siguro natin alam noon na mamimiss natin yung mga simpleng bagay na akala natin noon ay nakakairita o nakakaumay. ang mga kulitan habang magkakasikbay at sama-sama sa iisang silid. ^^,

  3. nakakamiss nga ang mga araw na nag-aaral pa ako (tayo). ang sarap balikan ng nakaraan. (lol)


Leave a response

Your response:

Categories