Posted by: marcpogi | August 26, 2008

a better man

meron akong kaibigan, nagkaroon siya ng problema sa relasyon niya, alam ko kung paano sila nagsimula, kaya naman concern ako dahil alam ko hirap na dinanas niya noon, nung oras na lumapit siya sa amin walang ibang nagsasalita kung hindi siya lamang at nakikinig ang lahat.

ginawa na niya ang lahat para ibalik ang dating relasyong nasira, pinaalala niya lahat ng bagay tungkol sa kanilang magandang samahan, ang paghihintay ng matagal para lang makausap ang dating kasintahang na  kung ituri siya noon ay parang usok ng ayaw langhapin, mga sakripisyo na naisip ko hindi ko kayang gawin kung dadanasin ko man ang ganitong sakuna sa aking buhay.

ngunit paglipas ng ilang buwan, tinanong ko sa sarili ko, kung bakit nga ba nasira ang relasyon na yun?, sino nga ba ang may sala?, bakit ganun na lang siya ituring ng babaeng yun?, ano ba talaga ang dahilan ng lahat?

wala kasi siyang nabanggit tungkol sa tunay na dahilan ng pagkakahiwalay nila, ang tangging nabanggit lamang niya ay ang mga sakripisyo na kanyang ginawa. oo nakaka awa pero para saan kung hindi ko alam kung ano dahilan kung bakit kelangan ako maawa, malay ko ba kung kasalanan niya, o he truly deserved it to be left behind, biased kasi ang kwento.

ngayon ko naisip na hindi ko talaga kaya ang mga pinag-gagawa niya para maibalik ang relasyong nasira, dahil hindi ko hahayaang masira ng ganun na lang, kung gagawa man ako ng sakripisyo, yun ay para pahabain, pasayahin at pakabigyang kahulugan ang relasyong aking pinasok, hindi kung kelan huli na ang lahat.


Responses

  1. tama yan, pare ko. lahat kasi dapat ginagawa habang nasa relasyon pa at kung hindi talaga magwork out eh dapat walang regrets. ganyan talaga. 2 personalidad yan. so pwedeng magkaintindihan all the way, pwedeng hindi.

  2. in a relationship its not always right to give your partner what he or she wants, its all about what the both of you needs to keep the relationship from falling apart.

    kasi kung puro gusto lang nang partner mo pano naman yung gusto mo? magsisimula ka na mag-isip na parang hindi na ata tama, parang ginagamit lang ako etc. etc., and syempre laging kasama dun mga sakripisyo wag lang sobra sobra na tipong umaabuso na yung ka partner mo, talagang di na tama yun.

  3. madalas kapag nakikinig tayo sa kwento ng ating kaibigan, nadadala tayo sa emosyon na nararamdaman nila. pero ang aral na napulot ko mula sa likhang ito ay maging obhetibo (objective). tama ka nang ma obserba mong biased ang kwento.

    kabataq member din ako. add kita sa link ko. kung ako ay ia add mo ito ang bago kong site: http://chocolateword.net

    Mahalia

  4. ganyan naman ang mga lalake, kung kelan na wala na mahal nila saka lang nila na rerealize ang lahat. bawat partido may kanyang dahilan. kait pag usapan pa iiral parin ang dahilan ng bawat isa. di lang mga babae ang kelangan pagtuunan lalo ng pansin sa nararamdaman. may damdamin din ang mga lalake na dapat pakinggan at pansinin. dami ko sana sasabihin kaso baka maging blog ko na to. . hehehe. .

  5. yep, we should always take both sides of the party, but sometimes in a relationship there are things that is hard to explain or things that the other party couldn’t understand or they don’t even want to understand, and there are also things that don’t need any explanation, specially if theres nothing wrong with it.

    relationship is a very complicated thing, you have to work it out together and understand each other, without the talking even by just looking at her straight to the eye… she’ll feel you saying it’ll be alright!


Leave a response

Your response:

Categories