when someone tells me about the first impression last thing, i’d say i dont think so.
’twas x-mas day nagsisimula pa lang kami ni grace nun pumunta kami sa mall para mag ule at makakita ng mga kakilala para bumati, nang makita kami ng tita niyang lesbian na sundalo, well i did’nt end up greeting her merry x-mas, because hinatak niya ang jacket ko at dinala niya ko sa KFC, hindi para kumain kundi para sermonan, kung tutuusin mas matangkad ako sa kanya pero siya ung humahatak sakin, hinayaan ko nalang to avoid scandal, paskong pasko pa naman, naupo kami at kinausap ako na parang lalaki sa lalaki daw.
so ayun nagpapaimbistiga daw siya tungkol sakin at kung anu anu daw negative na feedback ang dumadating sa kanya, kesyo nag ddrugs daw ako at inom at yosi, hahaha natawa na lang ako dahil yosi nga di ko ginagawa eh drugs pa kaya, inaamin ko naman na mukha akong adik non dahil mahaba ang buhok ko pero sabi ko sa kanya kahit magdrug test tayo ngaun wala ka makukuha sakin, kahit tanong mo pa sa mga kaibigan ko, o sa kahit sino pa nakakasama ko, my life is an open book sabi ko.
first time namin magkaharap nung tita niyang yun pero alam ko na agad na siya yung naiikwento sakin ni grace na sundalo, so i have to choose my words very carefully because i dont want my words be used againts me, so one question one brief answer ako, she asked kung bakit daw ako naka jacket, (siguro iniisip niya na may mga turok ako ng drugs sa braso, hahahaha) so sabi ko “x-mas season malamig sa labas, malamig sa loob ng mall, kahit ikaw naka-jacket ka rin.” deep inside natatawa na ko.
hanggang sa dumating yung time na wala na siyang maitanong sakin at di niya rin ako kayang balibaliktarin eh, umalis na siya sa harapan ko, sasabihin ko pa naman sana kung may gusto pa siyang malaman tungkol sakin kaso baka lalo pa masira ang pasko ko, kakasimba ko pa lang naman nun.
lahat ng party kina grace tutol sakin father side man or mother side, lalo na yung mga lola niya, tsktsk matatanda nga naman, pero ngaun kahit di na kami mas boto pa rin sila sakin kesa dun sa ibang nakarelasyon ni grace pagkatapos namin dalawa at ikinukumpara din nila ko sa boyfriend nung kapatid ni grace pero mas mabuti pa daw ako dun, kasi daw eh mayabang daw magsalita, lahat na alam, lahat daw kakilala di naman makatulong, kasi naghahanap ng work yung kapatid ni grace eh itong si boyfriend nun eh marami daw kakilala sa mga pwedeng applyan nito di naman maipasok dahil di naman willing tumulong sa kanya, siguro dahil nga mayabang siya.
ayun good vibes naman na kami ng tita niyang sundalo ngaun, lagi akong akitin sa inuman kasama ang mga friends niya tomboy, ang tawag nila sakin si papa marc, kaya naman niloloko ako ni grace ako daw makakabago sa tita niya at sa mga kabarkada nito gawin ko daw babae, amp!
masmagaan na loob sakin ng mga lola niya binigyan pa nga ako ng jacket na galing canada nung lola niya sa mother side at yung sa father side naman niya eh nami-miss daw akong ka kwentuhan, kung di daw nagloko si grace baka sana kami pa buti nga daw kahit di na kami eh tumutulong pa rin ako sa kanila kahit papano at nakakaalala pa, kahit ganun 1st impression nila sakin, di gaya nung boyfriend nung isa nilang apo na kapatid ni grace wala daw ginawa kundi akitin makipagdate apo nila at sa tuwing makakausap pa nila eh puro kayabangan lang naririnig nila. sabi pa nga ng lola ni grace malalim daw ako magjoke, napapaisip pa daw sila bago sila matawa.
never judge a book if your not a judge sabi nga ng mga corney na mga bata, tsaka nasa huli daw ang pinakamatangkad. napatunayan ko din na kaya ng isang tao baguhin ang paniniwala ng marami, not only with beautiful words, or action, its about getting it done, without even saying anything.
natutuwa ako sa kanila dahil nakita nila ang tunay na ako, kahit di nakikita sa pang labas na katauhan ko, halos lahat nung kamag anak nila ngaun good vibes ko na, kahit na alam nila na hindi kami magbabalikan ni grace dahil daw naumpog na ako sa pader, eh mabait pa rin ang turi nila sa akin.

kumusta naman ang ligawan nyo ni grace? pinadalhan mo ba siya ng sulat na nakalagay sa mabangong stationery?
ipagpatuloy ipaglaban ang pag-ibig at maging mahinahon sa kabila ng panghuhusga.
–tenco
By: alasais on October 10, 2008
at 11:59 am
good for you…
By: ifoundme on October 15, 2008
at 8:40 pm
nagkabalikan na ba kayo?
By: Mahalia on October 18, 2008
at 2:35 pm
hindi na magiging kami ulit, and we are very happy as friends.
By: marcpogi on October 18, 2008
at 7:26 pm